example:
Kaugnay na Literatura
Ayon kay Chit Estella, mayroon isang radiology technologist na nagngangalang Lani ang nakapagsabi na kanyang napupuna na taon-taon na lamang ay dumadami ang kanyang nakikitang “resignation papers” ng mga Nars sa kanilang ospital pati mga ordinaryong mangagawa ay nagsisialisan patungong Estados Unidos, London o saan mang sulok ng daigdig para doon na manirahan and magtrabaho nang panghabang buhay. Ayon pa raw kay Lani ay sa kanilang 40 na staff members ay 4 lang ang natira pati siya kasama na roon, ngunit siya rin ay may balak ng lumisan ng bansa. Marami rin ang magtatapos sa kursong nursing sa nasabing taon sapagkat patuloy na ang paglobo ng mga paaralan at unibersidad na nagtuturo ng Narsing. Ang malaking problema nga lang dito ay ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon at serbisyo ng mga nakapagtatapos na Nars. Dadami ang mga maghihintay na makaalis ng bansa, kaya sa ating bansa ay kung mayroon mang naiiwang magtrabaho rito bilang Nars ay kakaunti na lamang. Ang mga magagaling sa mga nakatapos ay handa nang umalis ng bansa at ang mga ito ay kadalasang hindi na nagkakaroon ng karanasan sa trabaho rito. Sa nakalipas na sampung taon, ang Pilipinas ay nakapagpadala na ng mahigit pa sa 90,000 na Nars. Ang malaking epekto nito ay ang pagbaba ng kalidad na naibibigay ng mga ospital sa kanilang mga pasyante o ang mas kagimbal-gimbal na pagsasara ng mga ospital. Ang isa pang epekto nito ay ang pag-alis ng mga doktor dito upang maging Nars sa ibang bansa. Sa nakalipas na apat na taon, mahigit sa 3,500 doktor ang nilisan ang ating bansa para magtrabaho bilang Nars.
I Hope na matulunga nyo po ako mga ka SB !!!
sa monday na po ang pasahan po nmin, at isusulat ko pa po !! Tnx po sa tutulong !!
via Symbianize Forum http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1078148&goto=newpost
Aucun commentaire:
Enregistrer un commentaire