jeudi 24 octobre 2013

Freddie Aguilar, inireklamo ng 'Qualified seduction'

Sinampahan ng reklamong qualified seduction sa piskalya ng Quezon City ang legendary folk singer na si Freddie Aguilar nitong Huwebes ng hapon kaugnay ng pagkakaroon niya ng relasyon sa isang 16-anyos na dalaga.

Sa panayam ng GMA News Online sa telepono, sinabi ng isang encoder ng Prosecutor's Office ng Quezon City na tumangging pabanggit ang pangalan, na ang reklamo laban sa 60-anyos na si Freddie ay isinampa ng isang Atty. Fernando Perito.


Napunta umano ang reklamo kay Fiscal Edgardo Saplala, dagdag ng encoder.


Umani ng mga kritisismo ang ginawang pag-amin kamakailan ni Freddie na nobya niya ang dalagitang kasama niya sa 5th Star Awards for Music kung saan tumanggap siya ng parangal.


Sa kabila ng mga batikos, nanindigan ang batikang mang-aawit na wala siyang masamang intensiyon sa nobya at iginiit na walang batas na nagbabawal sa tao na umibig sa isang mas bata o mas matanda.


Inamin naman ng dalagita na nasasaktan siya sa mga batikos sa relasyon nila ni Freddie na nakilala niya sa isang pagtatanghal nito sa Mindoro.


Sinabi rin ng babae na batid at suportado ng kaniyang magulang ang pakikipagrelasyon niya kay Freddie.


Sinabi ng legendary singer na pakakasalan niya ang nobya kapag nasa wastong edad na ito.


Sinisikap pa ng GMA News na makuha ang reaksiyon ni Freddie tungkol sa reklamo.


Nauna nang sinabi ni Freddie na ipinauubaya niya sa Diyos kung ano man ang mangyayari sa kanilang relasyon pero ang mahalaga ay nagmamahalan sila ng kaniyang nobya.


Posibleng paglabag din sa R.A. 7610


Sa isang artikulong lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, inilathala nito ang legal opinion ni Atty. Sandra Marie Olaso Coronel, resident counsel ng Summit Publishing Company Inc., tungkol sa pakikipagrelasyon ni Ka Freddie sa isang menor de edad.


Ayon kay Atty. Coronel, na partner sa Yorac, Chua, Arroyo, Caedo & Coronel Law Office, malaki nga ang legal implications ng relasyong ito, nakasaad sa artikulong isinulat nina Christine at Arniel Serato sa PEP.


Sinabing maaaring sampahan si Ka Freddie ng kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, o R.A. 7610, dahil sa simpleng pagsama ng dalagita sa kanya.


Idinetalye ni Atty. Coronel ang batas na ito sa isang e-mail na ipinadala sa PEP noong Lunes, ika-21 ng Oktubre.


Ayon sa abogada: “Their mere presence together, alone inside the room or cubicle of a house, an inn, hotel, motel, pension house, apartelle or other similar establishments, vessel, vehicle or any other hidden or secluded area under circumstances which would lead a reasonable person to believe that the child is about to be exploited in prostitution and other sexual abuse may be sufficient for a charge of Attempt to Commit Child Prostitution/Abuse under R.A. 7610.


“Even the mere act of bringing her to any public or private place, hotel, motel, beer joint, discotheque, cabaret, pension house, sauna or massage parlor, beach and/or other tourist resort or similar places may be considered Child Abuse.”


Matatandaang inamin ng dalagita na noong unang beses siyang lumuwas ng Maynila galing Mindoro, nanatili siya sa bahay ng singer sa Fairview, Quezon City.


Ayon sa abs-cbnnews.com noong Oktubre 19, sinabi ng dalagita: "Nung nakipagkita ako sa kanya sa Maynila, nag-stay ako sa bahay niya. Mga twelve days ako do'n.”


Nabanggit din ng dalagita na pagbalik niya ng Mindoro, nagpaalam siya sa kanyang ina na maninirahan na sa bahay ni Freddie, tanda ng kanilang pagmamahalan.


Paglilinaw pa ni Atty. Coronel, kahit kusa raw na sumama ang dalagita kay Ka Freddie, hindi maaaring gawing legál na basehan ng nobyo ang pagpayag ng isang menor de edad.


POSSIBLE PUNISHMENT. Kaugnay nito, napag-alaman ng PEP sa chanrobles.com, isang website kung saan nakalatag ang mga batas ng bansa, ang maaaring ipataw sa isang lalabag sa R.A. 7610.


Ayon sa probisyon ng naturang batas, kapag napatunayang may sala ang nakatatandang nobyo, maaari itong mahatulan ng "prision mayor in its medium period."


Na ang ibig sabihin ay pagkakakulong ng walo hanggang sampung taon at pagmumulta ng hindi bababa sa P40,000.


INTIMATE ACTS? Kung sakali namang may naganap na pagtatalik sa pagitan ng magkasintahan, Child Abuse daw ang kasong maaaring isampa sa mas nakatatanda.


Saad ni Atty. Coronel, “If there is sexual relations between them, regardless of her having granted consent, it will be Child Abuse punished by R.A. 7610 because minors, below 18 years of age, cannot legally give consent to sexual relations.


“If they engaged in intimate acts, without penetration, regardless of her having granted consent, it will also be Child Abuse under R.A. 7610.”


Ang Department of Social Welfare Development (DSWD) ay maaaring magsampa ng kasong Child Abuse.


CRIMINAL SEDUCTION. Mayroon ding probisyon ang batas patungkol sa isang nakatatandang nobyo na napatunayang gumamit ng anumang klase ng manipulasyon upang mapapayag ang isang menor de edad na makipagtalik sa kanya.


Kapag pumayag ang menor de edad, dahil pinangakuan ito ng kasal, na kalaunan ay hindi natupad, maaaring sampahan ang nakatatandang nobyo ng kasong paglabag sa Article 338 at Article 339 ng Revised Penal Code (RPC).


Paliwanag ni Atty. Coronel, dito ay maaaring magsampa ng kaso laban sa nakatatandang nobyo ang mga magulang, lolo at lola, o guardians ng menor de edad:


“If sexual relations or intimate acts were consented to by the girl upon a promise of marriage, which is not fulfilled eventually, she or her parents, grandparents or guardians may sue for Seduction under Article 338 Revised Penal Code and Acts of Lasciviousnesness with the Consent of the Offended Party under Article 339 RPC, respectively.”


IRRESPONSIBLE PARENTAL CONSENT. Matatandaang sinabi ni Freddie na may basbas ng ina ng dalagita sa kanilang relasyon.


Kaugnay nito, napag-alaman ng PEP na, kapag kinunsinti ng magulang ang ginawa ng anak na menor de edad, maaaring sampahan din ang mga magulang ng reklamo.


Sa dahilang ang kanilang pagkunsinti ay paglabag din sa R.A. 7610, o tinatawag na Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Saad ni Atty. Coronel: “They may be liable for causing or encouraging the child to lead an immoral or dissolute life in violation of R.A. 7610, in relation to PD603 or Child and Youth Welfare Code."


Ang sinumang nakatatanda ng 10 taon o mahigit pa sa kasamang menor de edad ay maaaring makasuhan.


“They may also be charged with Child Abuse for inducing, delivering or offering a minor to be in the presence of a person who is ten [10] years or more her senior in any public or private place, hotel, motel, beer joint, discotheque, cabaret, pension house, sauna or massage parlor, beach and/or other tourist resort or similar places.”


Ang maaaring parusa, ayon sa chanrobles.com, kapag napatunayang may sala ang magulang o guardian ng menor de edad, ay "prision mayor in its maximum period."


Na ibig sabihin ay pagkakakulong ng 10 hanggang 12 taon at pagmumulta ng hindi bababa sa P50,000.


NO LOOPHOLES. Sa huli, tinanong ng PEP si Atty. Coronel kung may probisyon sa batas na magpoprotekta naman sa karapatan ng menor de edad na magdesisyon para sa sarili.


Sagot ng abugada: “No such law. She is only emancipated from Child protection laws upon reaching majority age.


"However, acts constituting Child Abuse have already been committed, so even if she eventually reaches 18 years of age, he can still be liable for those acts.”


Wala rin daw makakapigil sa DSWD kung sakaling maghabla ito laban kay Freddie. Kahit ang mga magulang ng menor de edad ay hindi makakapigil sa ahensiya.


“Charges of Child Abuse under R.A. 7610 and PD603 can be filed by the DSWD, regardless of the cooperation of the victim and her family."


Hindi rin daw basta nagtatapos ang charge of Child Abuse kahit nangyari na ang kasal.

Paliwanag ni Atty. Coronel: “Even their eventual marriage will not erase the charges of Child Abuse.


“The only charges that the girl and her family can control are the Seduction and Acts of Lasciviousnesness with the Consent of the Offended Party cases, because these are private offenses that need to be filed by the victim or her family."


Samantala, ayon sa panayam ng The Philippine Star kay Dulfie Shalim ng DSWD Protective Services Bureau, nakatakdang imbestigahan ng ahensiya ang relasyon ni Freddie at ng nobya nito.


Saad ni Dulfie: “The girl is considered a minor under the law. That means she is vulnerable to abuse, and not yet capable to discern.” -- MFernandez/PEP/FRJ, GMA News


Source:

*Only fully-registered users can see this link.*






via Symbianize Forum http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1072430&goto=newpost

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire