jeudi 24 octobre 2013

POEM [TULA]Kilabot - Patawa



Bira dito bira doon

Tira dito Tira doon

Hithit dito hithit doon

Wala kang pakilaam sarili ko ito!

Kilabot ako ano bang gusto mo?

Away ba o gulo?

Sabihin mo lang malapit lang ako

Babayohin kita kung gusto mo!


Sira ka ba ayoko nga

Bakit ako papatol sayo

Hindi naman ako barumbado

Simple lang gusto ko itigil mo na gulong ito


Peke ka pala iho

akala ko pa naman tirador ka

Ayun pala ay isang duwag

Na ka bahag ang buntot sa likuran para kang tatay mo


Ah ganun pala kagaya ako ng tatay ko

Sige maghintay ka tatawagin ko lang tatay ko

Ihanda mo na bakal mong katawan

Sa tatay kong anak ng demonyo..


Sige tawagin mo!

Isama mo pa buong angkan mo

Hindi ko kayo sasantuhin

Isa isahin ko kayong titirisin..


Tatay.. tatay.. inaaway ako ni kilabot

nag - aamok sa labas

wala daw po siyang sasatuhin

Kahit sino pa iharap ko ay kanyang pasasakitan


Ah ganun ba anak?

sige ako ng bahala

madali lang yan

manood ka pero huwag mong gagayanin..


Hoy kilabot anong gusto mong mangyari?

Gusto mong hulihin kita?

Ikukulong kita

para hindi ka na makapanggulo pa


Ay sarhento pasensiya na po..

uuwi na lang po ako..

mahal ko po pamilya ko

Ayoko pong makulong..


Anak ng.. yung kilabot siyang namahag ang puntot..

Sa pulis na takot..





Last edited by subeshi; Today at 14:36..



via Symbianize Forum http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1071938&goto=newpost

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire