Ang "folding crown" ay isang bronze statue na gawa ng artist na si Juan Sajid Imao, anak ng yumaong National Artist na si Abdulmari Asia Imao. Gawa ito sa bronze at semento. Dalawang tao ang kailangan upang mabuhat ng artwork na may bigat na 80 kilos at haba na apat na talampakan. Ayun sa pangulo ng Art Association of the Philippines (AAP), sabado ng umaga ng kumukuha sya ng litrato sa loob ng Kanlungan ng Sining nang mapansin nyang parang may nawawala sa hardin.
Hanggang sa napagtanto na ang tansong impostruktura pala ang nawawala. Walong taon na ang artwork sa pangangalaga ng hayop matapos idonate ito ng artist. Kapansin-pansin na meron ng mga halamang nakatanim sa dating kinalalagyan ng artwork na dapat naman ay wala. Ang kontraktok na nagsasagawa ng renovation sa parke ay nangako naman na tutulong sa imbestigasyon. XxTanging CCTV footage na lamang ang tanging paraan upang makakuha ng detalye sa mga pangyayari subalit nakatuktok lamang ito sa parke at hindi sa Kanlungan ng Sining.
Nananawagan naman ang management sa publiko na baka ibenta ang artwork o kaya naman ipatunaw ang tanso. Nakiki-usap sila na huwag naman sana itong gawin at ibalik na lamang ito ng kusa.
Source:
*Only fully-registered users can see this link.*
via Symbianize Forum http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1071888&goto=newpost
Aucun commentaire:
Enregistrer un commentaire