jeudi 24 octobre 2013

SHORT STORY [Short Story] kabet (short story version.)



"nanay, totoo ba?"

umiiyak ang anak ko na umuwi galing sa eskwelahan at ito ang unang tanong niya sa akin kasabay ng kanyang paghikbi at pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

"nay, sabi po ng mga kaklase ko kabet daw kayo ni tito Freddie, nay hindi naman totoo yun di ba?.."


Nang mga sandaling iyon tila napako ako sa kinauupuan ko habang pilit na pinatatahan ang kaiisang anghel sa buhay ko, malakas ang sipa ng katotohanang unti-unting gumising sa akin sa isang bangungot na di lang ako ang sangkot kundi pati na rin ang anak ko.


Tatlong taon pagkatapos yumao ng asawa ko pumasok sa buhay ko si Freddie..


Nakilala ko si Freddie sa pamamagitan ng mga malalapit kong kaibigan, mabait si Freddie at siya ang isa sa mga naging sandalan ko sa tuwing di ko na kayang sabayan ang ikot ng mundo, aaminin ko madaling nahulog ang loob ko sa kanya dahil na rin sa mga pinapakita niya sa aming dalawa ng anak ko, malapit silang dalawa ni jhon kaya naging panatag ang loob ko kay Freddie, pero sa kabila ng lahat alam ko na panandalian ang lahat sa tuwing nandirito siya sa amin at iyon dahil may sariling may sariling pamilya si Freddie..


Mahal ko si Freddie kaya kahit na alam kong may asawa't anak na siya pumayag akong ituloy ang bawal na pagmamahalan namin.


Naging makasarili ako, hindi ko na naisip na marami akong pwedeng masaktan at maari akong makasira ng isang pamilya..

Naging bulag ako sa bawat haplos at halik na hatid niya sa akin sa tuwing dumadalaw siya dito.


Nagkaroon ako ng maling pag-asa nasa pamamagitan niya mabibigyan ko nang pangalawang ama si Jhon..


Nagkamali ako!.


Nang araw ding iyon niyakap ko nang buong higpit ang anak ko at dinamayan siya sa pag-iyak..

Di ko alam kung paano sasabihin sa kanya, di ko alam kung saan mag-uumpisa..


"tahan na anak, huwag mo na lang pansinin ang sasabihin nila anak..

Patawad anak, di ko inaasahang hahantomg sa ganito ang lahat."


Matapos ang insidenteng iyon, buo na ang disisyon ko.

Kailangan nang itama ang lahat at ayoko nang muli pang masaktan ang anak ko nang dahil sa kasalanang ako ang may gawa..


Hinintay kong muli ang pagdalaw ni Freddie. Inipon ko na lahat ng lakas ng loob sa katawan ko para magawa ito, para sa anak ko at para na rin sa pamilya niya.


"Fred, itigil na natin ito."

"ha?.itigil ang alin?."

"itigil na natin ang relasyong ito."

"woa, anung nangyari Amanda may problema ba?.may nagawa ba akong kasalanan?."

"oo Freddie, meron at di lang ikaw ang may kasalanan pati ako. Tama lang sigurong tapusin na natin ang kung anumang namamagitan sa atin."

"pero Ikaw ang mahal ko at hindi ang asawa ko, di ako papayag kung gusto mo makikipaghiwalay ako sa kanya para tuluyan na--"

" At ano?.kami nang ako ang lalabas na masama?, kami ang nang-agaw, sumira sa pamilya niyo?!"

"alam mo ba nung isang araw umuwi dito ang anak ko't umiiyak siya dahil sa atin!. Kalat na sa buong baranggay na Kabet mo lang ako Freddie kung ako lang makakaya ko pa pero nung makita kong nasaktan at umiiyak ang anak ko, nagkamali ako mas mahal ko ang anak ko kesa sa kung anung namamagitan sa atin."

"kulang pa ba lahat ng ginawa at binigay ko sa iyo o ninyo ng anak mo?"

"hindi kung tutuusin sobra pa nga to the point na mahirap nang bumitaw pero tama na. Sana naman maunawaan mo ko."


Ito ang isa sa mga mabigat na disisyong ginawa ko sa buong buhay ko, pero sa tuwing naiisip ko ang anak ko, ito na rin ang nagpalaya sa akin.

Nagpalaya sa pangalan ko bilang Kabet.






via Symbianize Forum http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1072408&goto=newpost

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire